![]() |
That's what FRIENDS are for?!
♥
Tuesday, June 16, 2009@12:05 AM
I honestly admit that I don't have enough time for my blog nowadays. I'm too busy spending my first last days in school. Pretty confusing? Well, I'll be graduating, oh yes, I'm sure I'll be marching on March to the tune of tan tanananan tanananan tanan tantanan tanan.. Whatever. Haha! :)
The past days have been ordinarily extraordinary and I still am sick. Gahh.I should be sleeping by this time but I really have to let these things out and I'm doing it in Filipino. :D Nag-ugat ang lahat ng ito sa isang simpleng alitan naming magkaibigan. Mali naman talaga ang manggamit ng ibang tao upang makuha ang gusto natin di ba? At higit sa lahat ay mali ang manloko ng tao para sa sarili nating kapakanan. Mali ring palabasing masama ang ugali ng isa nating kaibigan upang maging maganda at kaawa awa tayo sa nakakarami at lalong mali na saktan natin ang isang tao kung ayaw niyang sumunod sa gusto natin. Physical torture ba 'kamo? Ang sugat na dulot nun ay nagagamot at naghihilom yun sa tagal ng panahon. Maaring mag-iwan ito ng peklat o bakas ngunit, darating ang panahon na hindi na kikirot at mawawala na din ang sakit. Pero, alam nating lahat na ang Emotional Torture ay isang bagay na hindi naghihilom katulad ng mga sugat at pasa sa ating katawan. Maaring mapatawad natin ang nagkasala ngunit maaaring hindi kailanman mawala ang sakit at kirot na dulot nito. Hindi ako nagmamarunong ngunit mali na ang mga bagay na nakikita ko sa paligid ko kaya't minarapat ko na ituwid ang mga ito. Ayoko ng idetalye pa kung ano at bakit nagkaganito ang mga bagay ngunit alam ko sa sarili ko na wala akong inapakang tao dahil ang tanging kasalanang ginawa ko lang ay ang magsabi ng katotohanan. Naapektuhan ng husto ang kaibigan kong gumawa ng pagkakamaling ito. Akala ko sa mga susunod na araw ay magakkabati rin kami dahil mapagaalaman niya sa sarili niya kung ano ang mga maling bagay na ginawa niya at mag-uusap kami at tatawanan na lamang ang mga ito. Makailang linggo o araw din ay wala akong narinig o natanggap na mensahe mula sa kanya at sa isang kaibigan naming malapit sa kanya. Gusto ko sanang pumunta sa eskwelahan para makausap sila tulad ng dati dahil kasalukuyan silang kumukuha ng Summer Classes ngunit natigilan na din ako dahil naisip ko na baka hindi pa panahon upang kami ay magkita. Maaring may mga sugat pang naiwan na kailangan magsara muna at maghilom upang makatawa kaming muli ng magkasama. Kanina ko na lang nalaman na binabawalan na pala niyang makipagkaibigan sa akin ang kaibigan namin malapit sa kanya ngunit hindi ito pumayag. Nalaman ko din na may nananakot sa kaibigan naming iyon ukol sa isang sikretong mas marami pa ang daliri ko sa nakakaalam at ang taong iyon ay hindi man tahasan ngunit ako ang tinuturong salarin sa pagbunyag ng katotohanang matagal na itinago ng kaibigan kong iyon sa madla. Hindi ito isang krimen ngunit importante lang talaga sa kaibigan ko na walang makaalam ng bagay na iyon kundi kami. Masakit man sa amin, ngunit lahat ng ebidensyang aming nakalap ay nagtuturong ang kaibigan kong nakaaway ang may gawa gawa ng pananakot sa isa ko pang kaibigan. Hindi ko siya hinuhusgahan o kung ano man, ayoko ring maniwalang siya nga ang totoong may sala ngunit lumalabas na ganun na nga. Pinalagpas ko nang nag-group message niya sa lahat ng contacts niya, maliban sa akin na tinatawag akong SCAMP at DULLARD . Pagtawanan niyo na ako pero hindi ko alam ang ibig sabihin nito kundi ko pa hinanap. SCAMP - a name to call someone who is a mixture of both a skank and a tramp. Aaminin kong masakit ngunit pagkatapos ng ilang minuto ay tumawa na lang ako sa mga pahayag niyang ito. Baka dala lang ng sobrang pagkainis o galit ang nagawa niyang 'yan. Ngunit hindi ko mapapalagpas ang paggamit niya sa kahinaan ng kaibigan namin para masunod lang ang gusto niyang magalit ito sa akin. Mahirap magbintang ngunit sa lahat ng sinabi ng mga kaibigan namin ay lumalabas na ginawa niya lang lahat ng ito upang masira ako. Nakasalubong ko siya sa Mall kanina. Ngumiti ako. Alam kong may kinikimkim talaga siyang galit sa akin. Karaniwan tuwing nagkikita kami ay malayo palang humihiyaw na siya payakap sa akin. Iba kanina. Ngumiti lang siya na parang sumisibi pa nga. Nagulat ako na walang galit sa puso ko ang nabuo sa mga pangyayari kundi awa at panghihinayang. Naaawa ako sa kanya dahil alam kong, ngayon, kaming nakakasama niya sa araw araw at nagmamahal sa kanya ay may hinanakit na sa kanya. Mahirap ng buuin ang tiwalang nasira, sabi nga nila. Parang basong nabasag... idikit mo man ay may lamat pa din. Nanghihinayang ako sa tatlong taong tawanan, hagikgikan at walang katupusang kwentuhan na pinagsaluhan namin at ayokong masira ito dahil sa mga bagay na kasing babaw ng pagtatalo sa lalaki. Hindi ko kailanman inentensyong agawin o kunin kung sino man ang lalaking gusto niya dahil hindi ko ugaling maglandi sa kung sino sino. Nagkataon lang na ako ang minahal ng lalaking gusto niya ngunit alam ng Diyos na kahit may mga panahong nahuhulog na ang loob ko sa lalaking iyon ay pinigilan ko dahil higit ang pagmamahal ko sa kaibigan ko kaysa sa isang lalaking kailan ko lang naman nakilala. Matagal ko ng alam na may mga tao talagang di makatanggap ng sarili nilang pagkakamali dahil madalas kung minsan ay isa ako sa mga iyon. Hindi ko maamin sa sarili ko na mas magaling o mas tama ang ideolohiya ng iba kaysa sa mga iniisip at pinaniniwalaan ko. Subalit, darating at darating din naman ang panahon at mapagtatanto ko na minsan... nagkakamali din ako. Gasgas man, pero totoo. HINDI AKO PERPEKTO. Kaya umaasa ako na darating din ang panahon at mapapagtanto din ng kaibigan ko ang mga pagkakamali niyang nagawa sa amin. :) Inaamin ko na hindi lang siya ang dapat sisihin sa mga naganap. Maaring may kasalanan din ako, o ang iba sa amin. Pero hindi na kaso yun sa ngayon. Ang sa akin na lang ngayon ay matanggap niya kung ano mang pagkakamali ang nagawa niya at makapagbulaybulay upang mabago ang mga gawi niyang ito upang hindi na maulit pa muli. Hindi ako nagmamalinis, nagpapakaplastic o nagpapaawa. Gusto ko lang ibahagi sa lahat ang munting istoryang nagaganap sa buhay ko ngayon. At sana ay maging makabuluhan ang pagbabasa mo nito. :] Comments 1 |